Madalas
talaga akong manood ng mga balitang panglokal at mga teleserye sa primetime bago pa man gawing requirement ang paggawa ng blog tungkol sa mga ethical lapses ng Philippine media.
Kararating
ko lamang sa inuupahang bahay, nagsisigaw ang landlady namin at tinawag ako,
“Taga Pangasinan ka ‘di ba? Tignan mo ‘to. Breaking News sa Amianan, may
nagtatangka daw magpakamatay. Ay, magulo din pala sa inyo.”
Siyempre tinignan ko at bukod sa interesado ako dahil balita ito sa probinsya namin, nabigla ako sa nakita ko, LIVE REPORT tungkol sa lalaking umakyat sa overpass. Nagulat ako. At tinitigang mabuti ang balita kung LIVE nga ba talaga o DELAYED TELECAST lamang. Pero, live footage talaga ito, walang nakasulat na “taken earlier” o “delayed telecast”. Ayan, sinubaybayan ko ang balitang ito sa buong episode ng Balitang Amianan ng araw na ‘yon.
Ika-dalawampu’t dalawang araw ng Oktobre taong 2014, Miyerkules, isang lalaki ang umakyat mula sa pedestrian overpass (168 Mall) ng Urdaneta City, Pangasinan. Magsasampung oras ang negosasyon. Nakunan pa ng kamera kung paano nalaglag ang lalaking ito mula sa overpass. Sa pagkakataong ito, marahil ay mas inuna ng mga reporter ang kanilang trabaho na maipaalam sa publiko ang impormasyong ito. Dahil na rin siguro ito sa tensiyon at drama na taglay ng isang live incident. At, inere nga ang insidenteng ito ng LIVE. WITHOUT SENSITIVITY.
Nalabag ng news report na ito ang nakasaad sa KBP Broadcast Code of the Philippines Art.VI (CRIME AND CRISIS SITUATION) Section I na kailangan unahin ang seguridad ng sino mang nasasangkot sa kaso kaysa sa karapatan ng publikong malaman ang mga bagay/impormasyon na ito, kaya’t nararapat na sa kahit ano mang estasyon na huwag mag-ere nang live, at magkaroon na lamang ng delayed telecast ng ganitong krisis.
Parang breaking news pa ang dating ng sitwasyong ito, bawat update isinisingit kahit may nauna pang news report kaysa dito. At dahil halos kada-limang minuto kung ipakita ang insedente, nakunan ng kamera kung paano nalaglag ang lalaking ito mula sa overpass. Isa na namang paglabag sa Art.VI (CRIME AND CRISIS SITUATION) Section 13 na hindi maaring magpakita ng offensive images sa loob ng ganitong klaseng sitwasyon. Kahit papaano, hindi naging madugo ang pagkakalaglag nito dahil nasalo naman ang lalaking ito gamit ang tolda. Isipin na lang natin, paano kung walang tolda noong mga oras na iyon? Anong makikita ng publiko? Isang lalaking nabali-bali ang buto mula sa pagtalon sa overpass? Isang lalaking duguan at lasog na lasog na pangangatawan? Respeto na lang din sa mga manunood.
Kagaya ng ng nasabi sa klase na, “There is no absolute freedom” kailangan natin pag-isipan nang mabuti kung hanggang saan nga ba tayo dadalhin ng tinatawag nating freedom(of expression) para iparating sa publiko ang mga impormasyong nakalap at magampanan ang ating mga trabaho bilang communicator. Dahil minsan, bukod sa freedom na tinutukoy natin, may mga mas importanteng bagay tayong dapat pahalagahan.
**Ang
news report na ito ay hindi in-upload ng Balitang Amianan sa bilang ng kanilang
mga Full Episodes noong Oktobre. Mayron
na lamang po akong video/link ng follow-up news ng coverage na ito. Ibinalita rin ito sa Balita Pilipinas kinabukasan
pagkatapos ng krimen noong ika-dalawampu’t tatlong araw ng Oktobre 2014.
2012-08045(1)