Monday, December 15, 2014

MisterParodist’s Parody of Magic! turns out to be ‘Rude’

            High school pa lamang kami nang nagsimulang sumikat si MisterParodist na mas kilala sa tawag na Boy Tiwtiw. Sumikat siya dahil sa tagalog version niya ng Buko na usong-uso noon. At kamakailan lamang ay na-feature siya sa ABS-CBN Bicol: Mag TV na Oragon at sa Rated-K ngayong taon (2014). Dahil diyan, ina’assume ko na mas marami nang tatangkilik sa kanya dahil na TV na nga siya.

            Kaso nga lang namo’mroblema ako sa ginawa niyang parody ng Rude by Magic! noong October  2014. Ginawan niya ito ng tagalog version kagaya ng mga ginagawa niya sa iba pa niyang videos.

            Maayos naman at medyo nakakatawa nga ang translation na ginawa niya. Ngunit may mga linya roon na bother lang ako kasi ang sabi:

            (nasa verse 2) ‘Magtatanan kami, sa isang motel hotel sogo” – Naku, nagbigay pa talaga siya ng lugar na maaring puntahan ng mga nagbabalak magtanan.

            (nasa Chorus) “Pakasal ka, Kahit ayaw ng tatay mo Pakasal ka gagawa tayo family…”

            (nasa Chorus) “Kasi mahal niya ako susunod siya sa’king gusto” – Bilang babae, damang-damang ko ang pagiging subordinate. Pero para ito sa mga mas umiibig nang higit, kasi sila ang laging talo.

            Oo sa English version ay medyo may pagkaganun nga ang lyrics pero at least hindi paulit ulit na nasa chorus, ngayong na translate na ni Boy Tiwtiw ang kanta, mas marami nang makakaintindi niyon sa ating mga Pilipino.

            Ang parody ni Boy Tiwtiw ay parang nanghihikayat ng rebelyon laban sa mga magulang – na okay lang sumuway basta’t masunod lang ang dinidikta ng puso mo.

            Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang sundin ang puso, dapat parehas – puso’t isipan dapat ang laging gamitin nang hindi napapahamak. Hindi po ito hugot; ito po ay isang katotohanan na dapat nating malaman bilang mga future media practitioners/men/personnel/etc. Dapat hindi mababaw ang stand natin sa mga bagay-bagay, dapat may dahilan at kaya natin itong ipaglaban.


            Kung binabalak nating pumasok sa mundo ng media bilang mga taong humaharap sa camera o taong nasa likod nito, sana maging layunin natin na makapag-impluwensya para sa ikauunlad ng bansa dahil alam natin kung gaano kalaki ang nagiging epekto nito sa lahat.

2012-49508 (2)

No comments:

Post a Comment