Friday, December 5, 2014

Asking Minor Rape Victim to Recount Traumatic Experience

NEWS5: NOVEMBER 17, 2014.
“13-ANYOS NA DALAGITA, HALOS 8 BUWANG MINOLESTIYA NG TIYUHIN”

            Habang pinapanood ko ang balitang ito sa TV 5, wala naman sa isip kong husgahan ang laman ng balita nila o ang pagbabalita nila. Nakita ko rin naman sa paglalahad ng balita na silhouette lamang ng menor de edad ang pinapakita at hindi ito pinangalanan.

            Tila laging nababanggit ang paglabag sa RA 7610(Rape/Protection Against Child Abuse, Child Exploitation and Discrimination).  Pero bukod sa kaso ng suspek, mismong ang estasiyon ay mayroong nagawang paglabag sa KBP Broadcast Code of the Philippines.

SITUATION: Isang trese anyos(13) na dalagita ang halos walong buwan ng minomolestiya ng tiyuhin. Nais ng ina ng dalagita na mabigyan ng hustisiya ang nangyari sa anak at sana’y mahuli na ang suspek.

ANALYSIS: Mayroong programa ang TV5 na “T3 ENFORCED” kung saan ang programang ito ay laan para sa may mga reklamo o nais manawagan. Marahil nasa kagustuhan ng NEWS5 na mahanap ang suspect na nagtatago na matapos masampahan ng kaso.

DECISION: Inere ang pagsasalaysay ng menor de edad habang humahagulgol ito sa paglalahad ng ginawang pangmomolestiya sa kaniya.

            Nilabag ng programang ito ang nakasaad sa KBP Broadcast Code of the Philippines Art.3(Coverage Involving Children) Section 7 na nagsasabing, “Children should not be required, coerced or bribed to recall and narrate traumatic experiences, demonstrate horrific acts, or describe them in graphic details.”

            Sa programang ito ng NEWS5, umiiyak na ang dalagita habang nilalahad ang mga linyang, “Hinuhubadan na po niya ako ng shorts, pati panty. Tapos po, nung hinubadan na niya ako ipinasok niya yung kamay/daliri niya sa ari ko.”

            Hindi ko alam kung paano ito naatim na ipalabas. Naaawa ako sa menor de edad. Naaawa sa sinapit niya at lalo akong nanghina habang umiiyak siya at sinasabi niya ng detalyado kung paano siya minolestiya ng kaniyang tiyuhin. Para bang paulit-ulit na pinapaalala sa bata ang bangungot na kaniyang sinapit.

            Kung ako ang nasa sitwasyon ng reporter ng mga oras na iyon, hindi ko na tatanungin pa kung kamusta na ang dalaga. Galing siya sa malagim na pangyayari, malamang ano pa nga ba ang mararamdaman niya kundi pighati. At higit sa lahat hindi ko siya tatanungin kung ano at papaano ang ginawang pangmomolestiya sa kaniya. At kung sakali naman na sa kaniya mismo manggaling ang paglalahad, hindi ko na ito kukunan pa ng video o ipapakita sa publiko.

            Ang mga bata, marami pa silang hindi nalalaman sa mundong ‘to. Kaya sana, kung may pinagdadaanan sila, ‘wag na natin ipaalala ito ng paulit ulit pa at baka humantong pa ito sa mas malalang trauma.



                                                                                                            2012-08045(2)

No comments:

Post a Comment