Monday, December 15, 2014

DEFINITELY FILIPINO/KICKER DAILY: CANNIBAL MOTHER TRIES TO EAT HER OWN BABY

            Sa ibang bansa nangyari ang insidenteng ito. Pero may isang online writer dito sa Pilipinas na nagsulat tungkol sa isang nanay na tinangkang kainin ang sarili niyang sanggol.

            Situation: May isang ina sa China na nagtangka umanong kainin ang sarili niyang sanggol. Sa lumabas na article sa Pilipinas na pinublish ng Kicker Daily at shinare ng Definitely Filipino, kalakip nito ang ilang litrato ng sanggol na sugat-sugat ang kamay. Sa isang litrato ay bahagyang makikita ang mukha ng sanggol.

            Analysis: Bakit kailangan maglabas pa ng litrato nung sanggol na sugat-sugat ang kamay dahil sa kagat ng kanyang sariling ina?

Lumabas yung article ng mga bandang 3:30 ng hapon sa Facebook ng Definitely Filipino. Nakita ko siya ng hapunan habang kumakain, kaya’t na-bother ako. Paano kung may ibang tao pang nakakita sa article habang kumakain?

            Pakiramdam ko’y na-violate ang dignidad nung sanggol na nasa litrato dahil napakita bahagya ang kanyang mukha; hindi man siya kilala sa ibang lugar/bansa, makikilala na siya ng mga kapit-bahay nila dahil sa pagbanggit ng pangalan ng nanay na involve sa insidente.

            Decision: Hindi maganda yung ginawang pagpublish nung litrato nung sanggol. At pagpabibigay/pag-publish ng article kasama yung pangalan ng babaeng/inang sangkot sa insidente. Hindi magandang ma-expose lalong-lalo na yung bata sa mga ganitong klase ng publication. Kahit sana naka-blur man lang yung litratong bahagyang nakita yung mukha nung bata, at hindi na pinangalanan pa yung nanay at nurse sa article na nilabas.

            Kahit pa sabihin nating bata pa siya’t hindi pa alam kung ano ang mga nangyayari, siya pa rin yung involved at pinag-usapan eh. Bukod sa nakakahiya ang mga nangyari para sa bata, nakakahiya rin kasi ito lalong lalo na sa nanay at sa buong pamilya nito.

            At uulitin ko ulit yung tanong ko kanina, paano kung may ibang tao pang nakakita nung article habang kumakain? Wala naman sigurong taong gugustuhing makakita ng ganong mga litrato/balita habang kumakain. Sana talaga nilabuan na lang nila or di nalang sila naglapat ng litrato.                                                                                                                 2012-68565 (2)


(Editor’s note: Kailangan din nating pangalagaaan yung reputasyon ng ina. Posibleng may sakit sa pag-iisip o tinatawag naa psychologically-unstable ang ina kaya niya nagawa ang aktong ipinaparatang laban sa kanya. Marapat din na bigyang-proteksyon ang mga nasa ganitong estado ng pag-iisip.)

No comments:

Post a Comment