Video Ad accessible via Youtube: Dodge Ram Funny Sexy Car TV Ad Banned Commercial
Una, brand ng kotse ang ipino-promote nila.
Pero bakit may isang seksing babae na nasa banyo at nagpapahid pa ng "lotion?"
Eh kung tutuusin, wala namang koneksyon ang pagpapakita ng laman nung babae sa
"commercial."
Pangalawa, bakit hindi na lang nila ipakita
'yong mismong kotse... hindi 'yong inilagay pa sa pang-upo nung babae 'yong "logo"
nung kotse.
Pangatlo, "misleading" 'yong
konsepto nung "commercial." Kung gusto nilang tangkilikin ng mga
mamimili 'yong produkto nila, dapat ma-gets kaagad nung nakakapanood ng
patalastas nila na kotse 'yon at hindi kung ano pa man.
Hindi rin magandang tingnan 'yong
"commercial," para kasing naoobjectify 'yong babae sa eksena. Hindi
ba't dapat i-promote ang pagrerespeto sa mga kababaihan. Sa ginagawa nila
parang naiiba 'yong "image" ng mga babae. Parang ine-encourage pa
nila na ayos lang namang gamitin ang mga babae sa ganoong klaseng mga eksena
kahit hindi naman "appropriate."
Parang ginagamit din 'yong seksing katawan
ng mga babae para tangkilikin ng mga lalaki 'yong produkto. Masyadong
nakakababa sa mga babae kung gagamitin silang tila mga "sex objects."
Paano rerespetuhin ang kababaihan kung
maging sa mga ganoong klaseng ads, itinutulak silang gumawa ng mga bagay na
hindi naman naaayon?
Kung ako ang mag-iisip ng konsepto, gagamitin
ko 'yong mismong kotse at ipapakita ko 'yong mga kaya nitong gawin. Bakit pa
ako gagamit ng seksing babae kung pwede namang maging mabenta 'yong produkto
kahit walang "involved" na tao? Kung sakali mang maglalagay ako ng "driver,"
pagsusuotin ko naman ng maayos na damit. Hindi naman kasi ako nagpopromote ng
kahit anong bagay na nag-eencourage ng "sex" at ano pa mang
"sexual desire."
2012-09820 (2)
No comments:
Post a Comment