Malayo pa ang eleksyon pero ngayon pa lang ay mayroon nang mga patalastas ng iba't ibang pulitiko ang nagsisilabasan. Kung titingin tayo sa paligid lalo na sa mga tabi ng kalsada at mga poste sa kalye, mapapansin natin na dumarami ang bilang ng mga karatulang may malalaking larawan at pangalan ng mga pulitiko.
Sa isang araw, ilang beses kong napanood sa TV ang patalastas kung saan pinapakita ang Pangalawang Pangulong si Jejomar Binay na tumutulong sa pagbibigay ng bahay para umano magkaroon ng magandang buhay ang mga Pilipino. Ito ay may mensaheng “VP Binay Pabahay para sa magandang buhay.”
Si Binay ay isa nga sa mga napapabalitang tatakbong Pangulo sa halalan sa 2016. Ayon sa survey, bumababa ang porsyento ng mga taong may gusto sa kanya dahil sa samu't saring isyu na bumabatikos sa kanya. Alam naman natin ang mga kontrobersiyang kinakaharap niya ngayon at hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin siya dahil sa kanya umanong tagong yaman at ari-arian sa Rosario, Batangas at ang maanumalyang presyo ng gusali sa Makati.
Para sa akin, masyado pang maaga ang kanyang ginagawang pangangampanya (kung maaari man itong tawaging pangangampanya). Kahit hindi man direkta ang pagsabi ng kanilang pangangampanya sa mga patalastas na ito ay parang ganun din ang mensahe na nakikita kong nais iparating. Sa pamamagitan ng mga ito, kahit papaano ay napapabango nila ang kanilang mga pangalan sa kabila ng mga isyung kinakaharap niya. Para kahit papaano ay makuha niya ang loob at boto ng mga tao. Kung may mensahe man na nais iparating ang kanilang ahensya na kinabibilangan, mas maganda kung iiwasan na lang sana nila ang paglabas sa mga patalastas na ito. Ang nangyayari kasi, imbes na mag-focus yung patalastas tungkol sa kanilang proyekto, mas maraming naipapalabas tungkol kay Binay na matuturing nating pamumulitika.
2012-33633 (1)
(Editor's note: The subject is Communication Ethics. To the blogger, it would have been better if you were able to contextualize politicians as some sort of communicators or at least, the agencies that produce their "early campaign ads.")
No comments:
Post a Comment