Hindi naman talaga ako nanonood ng
mga teleseryeng tulad ng Forevermore, [Ang Forevermore ay teleserye ng ABS-CBN
na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.] pero isang gabi ay
nasaktohan ko lang nanonood ang mga kasama ko sa bahay kaya’t naisip kong
makinood na rin habang kumakain. Pero hindi ko rin inakalang ganitong episode
ang naabutan ko.
Situation:
Sasali sa isang beauty contest si Agnes [Liza Soberano’s character] para
mapanalunan ang isang multi-cab para makatulong sa kabuhayan nila sa La Preza
nang madisgrasya at mabalian ng paa si Andrew [Yves Flores’ Character] na
kaparehas nito sa isang dance number sa kompetisyon. Kumuha sila ng kapalit
nito, Si Antonio.
Analysis:
Hindi man direktang sinasabi ng mga karakter sa teleserye, alam mong sa mga
itsura at salita nila ay dinidiskrimineyt nila yung karakter ni Antonio, na
aaminin ko din ay di masyadong kagwapuhan kung ang basehan ng kagwapuhan ay si
Enrique Gil.
Ilan sa mga linya sa episode na
pakiramdam kong nagpakita ng diskriminasyon sa pisikal na anyo ni Antonio ay:
“Oh my god” – *dismayadong mukha*
“Bakit siya?” – *dismayadong mukha*
At nagtinginan/natulala lahat ng mga
karakter sa nasabing teleserye. Maraming beses pang nagpakita ng reaksyong
hindi kagandahan ang mga karakter. Sinabihan pa siya ng “Parang zombie ah.” May
mga dialogue pang:
Joey Marquez’s character: “Agnes,
mas may pag-asa tayo pag si Xander ang pinili mo. Kesa dyan sa kung ano man
yan.”
Liza Soberano’s character: “Paano ka
nakakasigurong mananalo tayo kapag ikaw ang naging partner ko?”
Enrique Gil’s character: “Di mo
sagutin yang tanong mo? Sino’ng mas may chance Manalo? Ako o siya?”
Indirectly, niri-ridicule yung
character ni Antonio dahil sa pisikal nitong kaanyuan at sa hindi masyadong
magaling na pagsayaw.
Decision:
Sana hindi naging ganun
yung mga linya sa episode na ito ng teleserye. Sana’y kumuha sila ng talent na kagwapuhan
din para hindi sobrang na-down yung gumanap sa karakter ni Antonio. Hindi man
direktang sinabi sa mga linya ng mga karakter, naramdaman kong may
diskriminasyon dahil sa mga linya at mukha ng mga karakter nang ipakilala ang
karakter ni Antonio.
So
pag hindi mo kasing-gwapo si Enrique Gil, hindi ka na pwedeng sumali sa mga
patimpalak? So kung hindi ka masyadong kagwapuhan, wala kang pag-asang manalo
sa mga patimpalak? 2012-68565
(1)
(Editor's note: Sa analysis, sana'y gumamit ng mga batayang values o prinsipyo sa pagtingin sa isyu.)
No comments:
Post a Comment