Showing posts with label 2012-68565. Show all posts
Showing posts with label 2012-68565. Show all posts

Monday, December 15, 2014

DEFINITELY FILIPINO/KICKER DAILY: CANNIBAL MOTHER TRIES TO EAT HER OWN BABY

            Sa ibang bansa nangyari ang insidenteng ito. Pero may isang online writer dito sa Pilipinas na nagsulat tungkol sa isang nanay na tinangkang kainin ang sarili niyang sanggol.

            Situation: May isang ina sa China na nagtangka umanong kainin ang sarili niyang sanggol. Sa lumabas na article sa Pilipinas na pinublish ng Kicker Daily at shinare ng Definitely Filipino, kalakip nito ang ilang litrato ng sanggol na sugat-sugat ang kamay. Sa isang litrato ay bahagyang makikita ang mukha ng sanggol.

            Analysis: Bakit kailangan maglabas pa ng litrato nung sanggol na sugat-sugat ang kamay dahil sa kagat ng kanyang sariling ina?

Lumabas yung article ng mga bandang 3:30 ng hapon sa Facebook ng Definitely Filipino. Nakita ko siya ng hapunan habang kumakain, kaya’t na-bother ako. Paano kung may ibang tao pang nakakita sa article habang kumakain?

            Pakiramdam ko’y na-violate ang dignidad nung sanggol na nasa litrato dahil napakita bahagya ang kanyang mukha; hindi man siya kilala sa ibang lugar/bansa, makikilala na siya ng mga kapit-bahay nila dahil sa pagbanggit ng pangalan ng nanay na involve sa insidente.

            Decision: Hindi maganda yung ginawang pagpublish nung litrato nung sanggol. At pagpabibigay/pag-publish ng article kasama yung pangalan ng babaeng/inang sangkot sa insidente. Hindi magandang ma-expose lalong-lalo na yung bata sa mga ganitong klase ng publication. Kahit sana naka-blur man lang yung litratong bahagyang nakita yung mukha nung bata, at hindi na pinangalanan pa yung nanay at nurse sa article na nilabas.

            Kahit pa sabihin nating bata pa siya’t hindi pa alam kung ano ang mga nangyayari, siya pa rin yung involved at pinag-usapan eh. Bukod sa nakakahiya ang mga nangyari para sa bata, nakakahiya rin kasi ito lalong lalo na sa nanay at sa buong pamilya nito.

            At uulitin ko ulit yung tanong ko kanina, paano kung may ibang tao pang nakakita nung article habang kumakain? Wala naman sigurong taong gugustuhing makakita ng ganong mga litrato/balita habang kumakain. Sana talaga nilabuan na lang nila or di nalang sila naglapat ng litrato.                                                                                                                 2012-68565 (2)


(Editor’s note: Kailangan din nating pangalagaaan yung reputasyon ng ina. Posibleng may sakit sa pag-iisip o tinatawag naa psychologically-unstable ang ina kaya niya nagawa ang aktong ipinaparatang laban sa kanya. Marapat din na bigyang-proteksyon ang mga nasa ganitong estado ng pag-iisip.)

FOREVERMORE NOVEMBER 11 EPISODE: INDIRECT DISCRIMINATION

            Hindi naman talaga ako nanonood ng mga teleseryeng tulad ng Forevermore, [Ang Forevermore ay teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.] pero isang gabi ay nasaktohan ko lang nanonood ang mga kasama ko sa bahay kaya’t naisip kong makinood na rin habang kumakain. Pero hindi ko rin inakalang ganitong episode ang naabutan ko.

            Situation: Sasali sa isang beauty contest si Agnes [Liza Soberano’s character] para mapanalunan ang isang multi-cab para makatulong sa kabuhayan nila sa La Preza nang madisgrasya at mabalian ng paa si Andrew [Yves Flores’ Character] na kaparehas nito sa isang dance number sa kompetisyon. Kumuha sila ng kapalit nito, Si Antonio.

            Analysis: Hindi man direktang sinasabi ng mga karakter sa teleserye, alam mong sa mga itsura at salita nila ay dinidiskrimineyt nila yung karakter ni Antonio, na aaminin ko din ay di masyadong kagwapuhan kung ang basehan ng kagwapuhan ay si Enrique Gil.

            Ilan sa mga linya sa episode na pakiramdam kong nagpakita ng diskriminasyon sa pisikal na anyo ni Antonio ay:
            “Oh my god” – *dismayadong mukha*
            “Bakit siya?” – *dismayadong mukha*

            At nagtinginan/natulala lahat ng mga karakter sa nasabing teleserye. Maraming beses pang nagpakita ng reaksyong hindi kagandahan ang mga karakter. Sinabihan pa siya ng “Parang zombie ah.” May mga dialogue pang:

            Joey Marquez’s character: “Agnes, mas may pag-asa tayo pag si Xander ang pinili mo. Kesa dyan sa kung ano man yan.”

            Liza Soberano’s character: “Paano ka nakakasigurong mananalo tayo kapag ikaw ang naging partner ko?”

            Enrique Gil’s character: “Di mo sagutin yang tanong mo? Sino’ng mas may chance Manalo? Ako o siya?”

            Indirectly, niri-ridicule yung character ni Antonio dahil sa pisikal nitong kaanyuan at sa hindi masyadong magaling na pagsayaw.

            Decision: Sana hindi naging ganun yung mga linya sa episode na ito ng teleserye. Sana’y kumuha sila ng talent na kagwapuhan din para hindi sobrang na-down yung gumanap sa karakter ni Antonio. Hindi man direktang sinabi sa mga linya ng mga karakter, naramdaman kong may diskriminasyon dahil sa mga linya at mukha ng mga karakter nang ipakilala ang karakter ni Antonio.


So pag hindi mo kasing-gwapo si Enrique Gil, hindi ka na pwedeng sumali sa mga patimpalak? So kung hindi ka masyadong kagwapuhan, wala kang pag-asang manalo sa mga patimpalak?                                                                                                 2012-68565 (1)

(Editor's note: Sa analysis, sana'y gumamit ng mga batayang values o prinsipyo sa pagtingin sa isyu.)