Isa na siguro sa pinakamasakit na mangyari ay ang mapahiya ka sa harap
ng maraming tao. Eh ano pa kaya kung sa buong Pilipinas at buong mundo mangyari
sa iyo ito?
Marami sa mga komedyante ngayon ang patok na patok sa telebisyon.
Nariyan sina Ai-ai de las Alas, Eugene Domingo at marami pang iba. Pero kung
tatanungin siguro natin ang bawat Pilipino kung sino ang pinakasikat na
komedyante ngayon, isa lang ang isasagot nila. Si Vice Ganda. Hindi lingid sa
ating kaalaman ang istorya ng buhay ng komedyanteng ito. Sumikat siya dahil sa
pagpupursigi niya at ang kanyang kakaibang talento sa pagpapatawa. Ngunit sa
kabila ng lahat ng ito, tama bang purihin siya sa pamamahiya sa mga tao?
Oo, parte ito ng kanyang pagpapatawa. Oo, kailangang hindi KJ. Oo,
kailangang open-minded. Pero hindi ba’t masakit sa pakiramdam ang mapag-tawanan
at mapagtripan ka sa harap ng maraming tao? Kitang-kita ang maling gawaing ito
ni Vice Ganda o Jose Marie Viceral sa kanyang programang ‘Gandang Gabi Vice’.
Rated SPG ang mga episodes kung minsan dahil may mga malalaswa at sensitibong
tema itong ipinalalabas.
Sa programang ito malayang nagagawa ni Vice Ganda ang lahat ng anumang
gustuhin niya. Mula sa kasuotan na kung minsan ay hindi na maganda sa paningin,
sa mga dance at song numbers at pati na rin sa mga guests niya sa programa,
siya ang namimili. Hindi mawawala sa GGV ang pag-tripan si Neggy. Si Neggy ang
kanyang assistant/friend/pet. Pangalan pa lang, nakakainsulto na. Palagi siyang
pinagtatawanan ni Vice Ganda dahil sa kanyang itsura. Ito ay isang paglabag sa
Article 22 ng KBP Broadcast Code (ARTICLE 22 - DISCRIMINATION, A person’s
race, religion, color, ethnicity, gender, and physical or mental disability
shall not be used in a way that would embarass, denigrate, or ridicule him)
kung saan sinasabing hindi tayo dapat mang-discriminate ng tao ayon sa kanyang
relihiyon o lahi. Malinaw na malinaw ang paglabag na ito ni Vice. Kahit naman
sino ay hindi dapat minamaliit dahil lang sa itsura nito. Nagiging katatawanan
tuloy si Neggy dahil sa kanyang itsura. Paglabag din ito sa Sec 3 ng nasabing
article (Name-calling and personal insults are prohibited).
Isa pang hindi magandang gawain
ni Vice sa kanyang programa ay ang pagsusuot ng malalaswang mga kasuotan sa
telebisyon. Minsan ay mahirap pang tignan ang mga kasuotang ito ni Vice dahil
kadalasan ay malaswa ito. Isa rin itong paglabag sa Article 28 Section 1(ON-AIR
DECORUM - Persons who appear in entertainment and variety progras such as
hosts, emcess, talents, guests, participants, and audiences, espeially in live
shows, shall be decently attired and behave in a way that is considered
appropriate in public based on the standards of the community where the
programs are aired) kung saan sinasabing dapat ay presentable ang isang
host o guest paglabas sa telebisyon.
Pang-huli, marami sa mga sinasabi ni Vice sa programang ito ay may
double-meaning. Minsan, may kabastusan na ito at kung minsan naman ay patama
naman ito sa isang tao. Maling-mali ang gawaing ito. Maaaring ma-mislead niya
ang mga tao sa mga ganitong uri ng joke. Paglabag din ito sa Article 25 Section
5 ng KBP Broadcast Code (SEX, OBSCENITY AAND PORNOGRAPHY - Offensive,
obscene blasphemous, profane, and vulgar double meaning words and phrases are
prohibited, even if understood only by a segment of the audience) kung saan
mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasabi ng mga double-meaning o may ibang
deinisyong salita.
Sa bawat tawang naibigay ni Vice Ganda sa atin, ilang kalungkutan kaya
ang kapalit? Sa bawat halakhak natin, ilang tao kaya ang naiinsulto? Sa bawat
pagsang-ayon natin sa kanyang mga sinasabi, ilang taong nasasaktan kaya ang
katumbas? Hindi masamang magpasaya ng tao. Basta’t wala tayong nasasaktan at
natatapakang pagkatao, magiging tama ito. Tandaan lamang ang Golden Rule, kung
ayaw mong mangyari sa iyo, huwag mong gawin sa iba.
2012-67513
(Editor's note: It would have been better if specific episodes or scenes were identified as examples of the show/host's violations.)
No comments:
Post a Comment